Six months na pala kaming magkasama ni Tutubi sa team ngayong March 15... Ang bilis... Hindi ko namalayan... Sa loob ng anim na buwan na yon maraming nangyari at nagbago sa'kin... Parang hindi ko napansin... Ang bilis talaga ng ikot ng mundo...
Hindi ko na rin alam kung paano ko update yung mga nangyari from the date of my last post here... Gusto ko ng idetalye lahat ng masaya at malungkot na nangyari pero aabutin yata ako ng isang buong araw sa pagkukuwento kapag ginawa ko yun... At katatapos ko lang umiyak ngayong araw na to... Nasasaktan na naman ako nang hindi nya alam... O baka sinasadya nya talaga... Hindi ko na alam... Pakiramdam ko nawawala na rin ang hawak ko sa kanya... Paano ko ba ikukwento?...
Matapos kong mag-alala dahil hindi sya nakapasok (last entry), hindi pa rin sya nakapasok ng sumunod na araw dahil sa problema sa bahay nila... Yung paglipat ng ate nya sa bulacan at yung hindi pagsama ng parents nya... So maiiwan sya sa San Juan with the oldies, including her lola... She will take care of all the expenses... house rent, utilities, groceries and most of all pressure sa pagpapalaki ng magulang.... Naawa naman ako sa kanya... Ang laking responsibilidad yung iniwan sa kanya ng mga kapatid nya, to think na sya ang bunso... Wala naman akong ibang magawa... Nakikinig lang ako habang nagbe-vent out sya ng mga problema nya... Advice ng konti... Ang nakakatawa lang, hindi nya masabi sa pare nya yung problema nya... Mas nasasabi pa nya sa'kin lahat ng mga pinagdadaanan nya kesa dun sa taong totoo nyang karelasyon... Minsan na daw kase syang nagsabi pero bina-brush off lang nung isa yung mga sinasabi nya... Masyado daw ginagawang big deal... Kaya ngayon, sa'kin na lang sya naghihinga ng sama ng loob... Naawa naman ako sa situation nya... Minsan, mahirap talagang magpalaki ng magulang... Haaaysss...
At kapag ganitong wala sya sa opisina, ginigisa ako ng mga teammates ko... Lahat ng issue tungkol sa'min ni Tutubi, lumalabas... Natatawa lang ako... Alam kase nilang hindi pwedeng mang-asar kapag nandun si Tutubi dahil maaapektuhan ng bonnga tong isa... So kapag wala sya, bumabawi ang mga bruha...
Malakas din talaga ang instinct ng pare nya... Nakita kase nya yung picture namin ni Tutubi at nung isang bading namin teammate sa cp ni Tutubi... Picture namin yun last team building... Pagkakita pa lang nun sa pic namin, bigla na lang daw nagsabi na, "Eto ba si Omiko?... May something kayong dalawa..." With conviction!... Hindi tanong... To think na tatlo naman kami sa picture na yon... Tapos sinunod-sunod na sya ng tanong tungkol sa'kin... Parang imbestigador... Kung may bf daw ba ako?... Tpos nung nalaman na wala, tanong uli, "Dahil ikaw na ang gusto nya?" Sobrang magduda... Natuwa naman ako na hindi pumayg si Tutubi na lumayo sya sa'kin... Nagtalo pa sila dahil ang reason ng pare nya kaya sya ganun ay ginagawa lang daw nya ang sinabi sa kanya ni Tutubi na ilayo sya sa tukso... Ahhh... So she considers me as TUKSO?... Hahaha... Sorry pero hindi lang ako tukso... I am more than that!...
At napapadalas yung mga moments na muntik muntikan kaming magkita nung pare nya sa office o sa SM food Court o sa Glorietta 5... Haaaysss... One of these days, hindi ko na talaga sya maiiwasan... That's why I see to it that I'm always pretty before going to work... Mahirap na... Baka may masabi yung pare nya kapag nagkita kami...
Ayos naman kami ng mga sumunod na araw ng February... Napapadalas ang pagpunta nya sa bahay dahil sa maraming vgh approval... Konti lang kase talaga ang volume ng calls... Mas napagtutuunan na naman nya ako ng pansin... Mas nag-eenjoy na naman sya kasama ako... At alam kong guilty na naman sya sa pare nya... Pero alam ko rin na hindi nya kayang iwan ang comfort na nakukuha nya kapag kasama ko sya... Napakilala ko na rin sya sa 2 pinakaclose friends ko back in college... Yung isa, si Giraffe, yung babae na halos kapatid ko na... Yung isa si Fantasie... Yung pangarap kong guy dati... Imagine... Kahit sa lalakeng gusto ko dati, napakilala ko na sya... Mukhang iba na nga talaga ang preference ko... Haha... Yung ang mga pinakamasayang araw ng February ko... Yung halos araw araw kasama ko syang umuuwi sa bahay... Tapos ramdam ko na magtatagal pa... Ayoko na sanang matapos yun...
Tapos isang araw na naka-VL ako dahil birthday ni Giraffe, Feb. 27 yun, Nalaman ko na lang na hindi na naman nakapasok si Tutubi... Ang akala pa nga nila, magkasama kami... Nag-alala na naman ako... Nalaman ko na lang sa isang teammate namin na Nag-block out si Tutubi... Then details na lang yung sumunod nun nagkita na kami kinabukasan sa office... May vertigo sya... Dinala sya sa ospital nung driver ng jeep na nasakyan nya dahil nawalan nga sya ng malay papunta sa work... Haaayssss... Pinag-alala na naman nya ako... At ang makulit, hindi pa nagpa-check up after... Gusto ko syang samahan pero palagi nya idinadahilan na magkikita sila ng pare nya... E di magpasama sya sa pare nya kug ayaw nya akong kasama... pero hindi nya ginawa... Hanggang ngayon hindi pa rin sya nagpapa-check up... ayaw daw nya kaseng malaman ang sakit nya... Tapos madalas nang sumasakit ang ulo nya... Natatakot na ako para sa health nya... Lumalabas na yung mga sakit nya because of too much stress... At mukhang hindi alam ng pare nya yun... Ewan ko ba...
First two weeks ng March, hindi kami nagkikita masyado dahil sa Prearrange VGH... Meaning, hindi na kami papasok the whole day... Approved naman kami... Nalungkot lang ako dahil 2 or 3 days lang kami magkasama... At dun na nagsimula ang Cold Summer ko... March 1, nasa bahay pa sya pero after that, hindi ko na alam ang nangyari... Ilang beses na rin nya akong iniwan sa office... Mag-isa na lang akong umuuwi... At nalulungot ako... Hindi ko alam kung nagkakataon lang o sinasadya na nya... Ang daming reason... Pakiramdam ko, iniiwasan na naman nya ako dahil lumalalim yung nararamdaman nya... O baka wala na talaga syang nararamdaman... Tapos parang nawalan na rin ako ng ganang makialam sa kanya... Lesser na rin yung mga personal exchange of text messages namin... Alam kong may mali... Pero hindi ko matukoy... Masyado rin kase syang tumatahimik lately... Kahit sa'kin parang ayaw nyang mag-open... Hindi ko na lang sya tinatanong... Iniintindi ko na lang... Baka dahil lang sa mga problema nya kaya sya ganun ngayon... Tsaka personality na naman nya talaga yun eh... Tahimik lang talaga sya most of the time... Pero hindi ko pa rin syempre maiwasang hanap-hanapin yung mga bagay na nakasanayan ko na sa kanya... Ang hirap masanay, lalo na sa mga bagay na alam mong hindi permanente...
At dahil mas marami pa ang restday ko kesa sa pagpasok sa opisina, nagkaroon ako ng time umuwi sa bahay namin sa Tagaytay... Isinama ko si Brit... Problemang pampamilya din lang nadatnan ko dun... Pero mas magaan na nyayon... Hindi na tulad ng dati na masyadong maraming kargo yung Mama ko... Wala na kase sa bahay yung mga pinsan kong pasaway... Bunsong kapatid ko na lang yung iniintindi nya at ang recent LQ nila ng Papa ko... Haaaysss... Kung kelan naman sila tumatanda tsaka pa sila nagkaroon ng mga ganung tampuhan... Nag-zipline lang kami ni Brit... 30 seconds of adrenaline rush!... Pakiramdam ko ako na ang pinakamatapang na tao ng panahong yun... Haha... Tapos nag-release ng stress by shouting during that zipline moment... At si Brit, takot na takot... di na daw nya uulitin yun... Haha... After that, bumalik na kami sa Manila para sa inuman trip sa Condo nung isang teammate ni Brit... Bading din yun... Ang ganda ng condo!... Panalo!... 35K per month ba aman ang bayad... Whoa!... Pero syempre yung special friend nya yung nagbabayad... Inuman na hindi aman ako nalasing... Tapos iyakan trip dahil sa "I miss You Like Crazy" movie... @nd time ko na napanood yun pero naiyak na naman ako... iba talaga siguro kapag nakakarelate ka sa kwento... Sakit sa puso... And the way they kissed in that movie reminds me so well on how we kissed the day we cried and kissed at the same time... Ang sakit sa puso na dahil sa isang pelikula, bumabalik sa'yo yung naramdaman mo ng mga oras na yun... Umaga na ako nakabalik sa boarding house...
5 days yun... Halos wala kaming contact ni Tutubi... At hindi man lang nya ako naiisipang kumustahin... Kung hindi ko pa sya naisipang i-text dahil sa PVGH hindi ko pa sya makakausap... Nalaman ko lang na pumunta rin pala sila ng Cavite... At gumala sya to the maxx with pare the next day... Haaaysss... I'm loosing my grip on her... Hindi ko alam... Pakiramdam ko, unti unti na nya akong sinasanay na wala na sya sa tabi ko... At nasasaktan ako... Parang kahapon lang halos nasa akin lahat ng atensyon nya tapos bigla na namang nanlamig... Nakakatakot lang dahil alam kong wala naman akong relasyong pinanghahawakan... Walang kami at walang pwedeng pumigil sa kanya kung balak na nya talagang putulin yung kung anumang meron kami... Natatakot ako... Hindo ko yata kakayanin...
Noong Sabado lang uli kami nagkita after ng mahabang bakasyon... Mukha naman na-miss nya ako kahit paano pero hindi na tulad ng dati na excited syang makita ako... Ewan... Pakiramdam ko, pinipigilan na naman nya ang sarili nya... Baka nga itinatama na nya yung mali... At natatakot na talaga ako... Pakiramdm ko, maiiwan na naman ako... Psalamat na lang ako na walang PVGH ngayong week na to kaya madalas kaming magkikita... Pwede pang ayusin yung connectin na lumalabo.. Ayokong matapos sa ganito ang lahat... Hindi ngayon... Hindi ko na kaya kung lalayo sya sa'kin...
Tapos naiyak ako kanina pagkauwi ko dahil sa sinabi nya... Minsan hindi na yata sya nag-iisip... Insensitive na rin yata sya... Matapos ko syang hintayin sa office dahil sa mahabang oras na pagpapasa nya ng songs sa cp ng isa sa mga babaeng may crush sa kanya sa account, at sinabi ko sa kanyang gusto ko nang umuwi, sinabihan ba naman nya ako ng, "Bakit hindi ka pa umuna umuwi?..." Matapos ko syang hintayin!!!... Kung hindi lang ako naka-mascara that time baka umiyak na ako sa lobby ng office... Nasaktan ako sa sinabi nya... Ewan... PMS din siguro 'to... Sabay pa rin naman kaming umuwi... Ang tahimik ko na sa bus, hindi pa nya ako tinataong kung aong problema... Tumahimik din sya... Kinausap lang nya ako pagkababa namin sa Boni... Tungkol lang sa ibang tao at pangyayari... Insensitive na ba talaga sya o ayaw na nya talaga sa'kin... Pero kapag hindi ko naman sya pinapansin sa office, hindi rin sya matahimik... Anu ba talaga?...
Hot and cold!...
Currently feeling: sad